ANON: Hi, pwede ba tayo maging friends?
GIRL: Sure pwede!
ANON: Kaso may crush ako sayo eh, simula palang nung finallow kita.
GIRL: Ganun ba? PBB Teens ba ang gusto mo?
ANON: Hindi ang gusto seryosohan na.
GIRL: Sure pwede! kaso pakilala ka muna!
ANON: Pwede bang wag na lang?
GIRL: Bakit naman?
ANON: Sasabihin ko sayo next time kung bakit ayaw kong magpakilala muna! :)
GIRL: Oh sige anon next time ulit mukhang flood na ako sa dash.
ANON: Ok sige! Take Care!
kinabukasan… . .
ANON: Hi! ako ulit ‘to ang ANON na nagmamahal sayo
GIRL: Mahal talaga?
ANON: Oo, dati pa! Kahit nung di pa ako nag-anon sayo mahal na kita.
GIRL: haha K! sabi mo yan eh.
ANON: Kumain ka na ba? Wag kang magpalipas ah.
GIRL: Oo tapos na! Mayang gabi ulit pasok pa ko eh. Bye Anon!
kinagabihan… . .
Nagpost si GIRL, “Break na kami ng boypren ko! Nalaman kong may iba sya. At ipinagpalit nya ako! :’(“
ANON: Okay, ka lang?
GIRL: Hindi! Sino bang magiging okay! tanga ka ba ANON! Nasaktan ako, iniwan ako ng taong mahal ko!!!
ANON: Aw sorry, basta tandaan mo nandito lang ako para sa’yo.
GIRL: Sana ikaw na lang ang boypren ko.
ANON: Pwede naman eh.
GIRL: Sige, pakilala ka muna!
ANON: Hindi pa ito ang time para sabihin ko kung sino ako.
GIRL: Okay! Basta dyan ka lang wag mo akong iwan. :)
Lumipas ang mga araw at linggo mas napamahal pa si GIRL kay ANON. Nagpatuloy din si ANON na mag-TA kay GIRL para iparamdam ang kanyang pagmamahal.
ANON: I LOVE YOU!
GIRL: I LOVE YOU TOO.
ANON: Andito lang ako palagi para sayo.
GIRL: Oo, alam ko. Kaya nga minahal kita eh kahit na hindi ko alam kung sino ka.
Isang gabi nagpost si GIRL, “11:11 Sana magpakilala na si ANON sa akin :)”.
ANON: Handa na akong magpakilala sayo. :)
GIRL: Oh sino ka! sa wakas makikilala ko na rin ang taong minahal ko.
ANON: Ako si “INSERT URL HERE”.
GIRL: Wow! di ko expect ikaw pala yan! Matagal na kitang crush!
INSERT URL HERE:Talaga? haha sa wakas dati crush mo lang ako ngayon mahal mo na ako salamat at nag-ANON ako sayo.
GIRL: Bakit ka nga pala nag-ANON pa? at kapag tinatanong kita kung sino ka di mo sinasabi?
INSERT URL HERE: Kasi kapag nag-ANON ako sayo, ang tanging paraan mo lamang na sagutin ang anon ko ay i-PUBLISH ito. At ang gusto ko maging testigo natin ang mga follower mo sa pagmamahalan nating dalawa. :)
—THE END—